69 BAGONG PISANG PAWIKAN PINALAYA
by VES B.VILLANUEVA


Atimonan, Quezon - Umaabot sa animnaput siyam(69) na newly hatched pawikan ang pinakawalan sa Brgy. Caridad Ilaya sa bayang ito sa pangunguna ng Tanggol Kalikasan at Environment and Natural Resources Officer Gene Beloso noong July 17, 2004.
Narekober ang naturang mga pawikan sa pangangalaga ng isang Ka Aning (Rafael) Tarronas, isang mangingisda sa lugar na noong una ay ayaw pang ibigay sa grupo ng TK at ENRO ang mga bagong pisang pawikan. Subalit matapos ang isang mahabang pagpapaliwanag ukol sa mga pawikang itinuturing na isa sa mga endangered species gayundin sa parusang maaaring ipataw sa kanila ay pumayag na rin ang pamilya ni Tarronas na mapakawalan ang mga ito.
Ayon kay Ka Ramon isang Bantay Dagat at pangulo ng Integrated Fishery and Aquatic Resources Management Council sa buong Lamon Bay, nadiskubre ang mga newly hatched pawikan matapos na pumunta ang inang pawikan ng mga ito sa silong ng bahay nina Ka Aning. At dahil malimit na ring makakita sina Ka Aning ng mga pawikan ay hinayaan na lamang nila ito sa ilalim ng kanilang bahay hanggang isang araw ay nakita na lamang nila na mayroong mga bagong pisang sea turtle na nag-uunahang magtungo sa dagat.
Ayon kay Glenn Forbes, ang pagpapakawala sa nasabing mga pawikan ay bilang tugon sa proyekto ng TK-Timog Katagalugan sa programa nitong Save Endangered Species Campaign.
Ayon naman kay Ms. Janet Buelo, natuttuwa sila sapagkat malaki na ngayon ang awareness ng tao hinggil sa pangangalaga sa ating mga likas na yaman. Katunayan umano nito ay mabilis na nagsusumbong ang mga tao sa isang partikular na lugar sa tuwing makakadiskubre ng mga pagsasalaula sa ating mga likas na yaman.

[ BACK ]