|
PAWIKAN,
PINAKAWALAN
SAN
JUAN, BATANGAS - isinagawa ang pagpapakawala ng anim na iba't ibang
klase ng pawikan sa Kabayan Beach Resort, Brgy. Laia ng naturang
bayan noong Agosto 11, 2005. Nakilala na green sea turtle, hawksbill
at loggerhead ang mga ito ng mga kawani ng Municipal Agriculture
Office at ilang eksperto. Nanguna sa pagpapakawala ng mga pawikan
ang kapitan ng Brgy. Laia na si Bonching Llana na sya ding may-ari
ng naturang beach resort. Sinuportahan naman ito ng ilang kawni ng
munisipyo ng San Juan, Punongbayan ng Padre GArcia na si Prudencio
Gutierrez, local at national media, NGOs gaya ng Tanggol Kalikasan,
POs at ilang Municipal Agriculturists
Ayon kay Punongbayan Prudencio Gutierrez, binili ng isang tatay sa
kanilang bayan ang isa sa mga pawikan na pinakawalan upang iregalo
sa kanyang anak. Subalit hindi natuwa ang anak nito dahil alam niya
na nabibilang na sa mga endangered species ang mga ganitong uri ng
yamang dagat, bagkus itnawag agad sa tanggapan ng Municipal Project
Development Coordinator na si Gng. Cora Garen upang makipagtulungan
sa mabilisang pagpapakawala nito. Dahil walang malapit na dagat sa
bayan ng Padre Garcia, agad naman itong nakipag-uganayan sa kanilang
Municipal Administrator na si Ramil Calingasan upang siya ang
makipag-tulungan sa kalapit na bayan na may karagatan. Dahil hindi
aganda ang kalagayan ng pawikan agaditong dinala sa bayan ng San
Juan, Batangas at doon nakipagtulungan ang mga kawani ng Municipal
Ariculture office at Office of the Mayor, mahigit isang linggo na
ang nakakaraan.
Dahil ang bayan ng San Juan ay isa sa mga coastal municipalities na
nagsusulong ng programa upang pangalagaan ang kanilang karagatan
agad naman nila itong tinanggap at isinama sa mga pawikan na
inaalgan pansamantala sa isang maliit na fish pond sa loob ng
kabayan Beach Resort. Sinabi naman ni Kapitan Bonching Llana na
naipon nila ang mga pawikan mula sa mag mangingisda na nakahuli sa
mga ito. Dahil nga aware din sila sa endangered species campaign,
nagbibigay sila ng pabuya sa sinumang makakahuli ng pawikan sa
karagatan upang muling ibalik ang mga ito.
Nakipag-ugnayan naman sa tanggapan ng Tanggol Kalikasan-Timog
Katagalugan si Noel Pasco kawani ng tanggapan ng punongbayan ng San
Juan, Batangas upang makiisa at saksihan an naturang pagpapakawala
ng pawikan bilang katuwang na organisasyon sa nasabing proyekto.
Ayon kay Atty. Asis ng Tanggol Kalikasan, ika-anim ang loggerhead na
pinakawalan na nakita dito sa buong Pilipinas, batay sa tala ng
Protected Area Wildlife Bureau (PAWB).My suka na 73 inches ang haba
at 67 ang lapad ng naturang loggerhead kung saan ito ang
pinakamalaki sa anim na pawikang pinakawalan.
Nakiisa rin sa naturang gawain si Bokal Mark Leviste ng 4th District
ng lalawigan ng Batangas.
[
BACK ] |