BAWAL NA KAHOY NASABAT
ni Dema P. Hutalla


TAYABAS, QUEZON - isang six wheeler truck na kargado ng mga prime wood na kabilang sa mga banned specie ang nasabat ng tauhan ng DENR at Tanggol Kalikasan sa inlatag na check point ng mga ito sa bahagi ng Barangay Calumpang bayang ito.
Ayon sa ulat, isang tip ang natanggap ng mga autoridad hinggil sa diumano ay isang truck load ng mga kahoy na Molave o Maulawin ang nakatakdang ibiyahe sa Metro Manila mula sa bayan ng Gumaca.
Dahil ditto nagsagawa ng check point ang tropa ng Provincial Environment and Natural Resources Office sa pangunguna ni Penro Emrich Borja dakong hatinggabi ng dumaan ang Fuso Canter na may plate no. UDW 670 at minamaneho ni Serapio Estacio ng Gumaca kasama ang may-ari ng trak na si Santiago Gualvez nang sitahin ng mga autoridad hinggil sa lulan nitong humigit kumulang sa isang libong board feet ng mga kahoy na Maulawin ay walang anumang maipakitang papeles ang mga ito. Dinakip ang dalawa subalit mabilis umanong nakatakas ang may-ari ng trak makaraang magkunwari itong iihi lamang.
Nasa pangangalaga na ngayon ng mga tauhan ng DENR ang naturang sasakyan at lulan nitong mga kahoy habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga nadakip.

[ BACK ]